Filipino 101

286 pages
2 downs
311 views

Extension: PDF

Please download to get full document.

View again

of 286
All materials on our website are shared by users. If you have any questions about copyright issues, please report us to resolve them. We are always happy to assist you.
Share
Description
1. Filipino sa Piling Larang Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga…
Transcript
  • 1. Filipino sa Piling Larang Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.
  • 2. ii Filipino sa Piling Larang - Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang sinumang lalabag dito. Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________ Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR) Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Corazon L. Santos Santos, PhD Gerard P. Concepcion PhD Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: Salvador Biglaen Tagasuri ng Wika: Wilma B. Bitamor, MA Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos Tagapamahala ng Pagbuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Bureau of Curriculum Development Bureau of Learning Resources
  • 3. iii TALAAN NG NILALAMAN PAHINA Introduksiyon .................................................................... 1 Kabanata 1. Akademikong Pagsulat ............................... 7 1. Kalikasan ng Pananaliksik......................................................... 8 2. Tungkulin at Responsibilidad ng Manananaliksik ..................... 18 3. Ang Panghihiram ng mga Salita................................................ 25 4. Makrong Kasanayan sa Pagsulat.............................................. 30 Kabanata 2. Ilang Akademikong Sulatin na Naglalahad at Nangangatuwiran............... 38  Katitikan ng Pulong 5. Katitikan Ng Buwanang Pulong Ng Municipal Development Cooperative Council Ng Ibaan.......................... 39 6. Sipi Ng Katitikan Ng Di Pangkaraniwang Pulong Ng SangguniangBarangay Ng Tortugas, Balanga City............ 44  Panukalang Proyekto 7. Bahanding Sarita: Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino................................................................ 54 8. Proposal para sa Pagbuo ng Glosaring Dihital (Ingles-Filipino) ... 58
  • 4. iv  Posisyong Papel 9. Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad................................................ 64 10. Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano................................................................... 69  Talumpati 11. Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal ...................................... 73 12. Talumpati sa Pagtatapos 2015 .................................................. 77 13. Dangal at Parangal .................................................................... 80  Buod 14. Buod ng SONA 2015 ................................................................. 84  Abstrak 15. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari.............................................................. 87 16. Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran........................................................ 88 17. Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano....................................... 89
  • 5. v  Bionote 18. Bienvenido Lumbera ................................................................ 90 19. Virgilio Almario .......................................................................... 91 Kabanata 3. Ilang Akademikong Sulatin na Nagsasalaysay at Naglalarawan................... 93  Lakbay-Sanaysay 20. Solo sa Oslo .............................................................................. 94 21. Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad .............................. 98  Replektibong Sanaysay 22. Ang Himagsik ni Amanda Bartolome: Isang Pagbasang Ideolohikal sa Dekada ’70.............................. 105 23. Bakit ako Naging Manunulat ..................................................... 134 24. Hindi Ngayon ang Panahon ..................................................... 140  Piktoryal na Sanaysay 25. Pagbakwit ng Lumad sa Lianga – Noon at Ngayon .................. 148 26. Mamamayan ng Mindanao Nangangalampag sa Maynila ......... 151 Kabanata 4. Akademikong Sulatin sa Humanidades ........ 153 27. Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano.................................... 154 28. Matagal nang Patay ang Babae: Bawal sa Panitikang Bayan....................................................................... 188
  • 6. vi Kabanata 5. Akademikong Sulatin sa Agham Panlipunan............................................. 206 29. Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari.............................................. 207 30. Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto........................................... 225 Kabanata 6. Akademikong Sulatin sa Agham at Kultura............................................. 250 31. Wika, Astronomiya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko........................................... 251 32. Paggamot, Medisina, at Wika .................................................... 252 Sanggunian......................................................................... 275
  • 7. vii Akademik
  • 8. viii
  • 9. 1 Introduksiyon Bilang wikang pambansa, kinakailangang lumagpas ang wikang Filipino bilang wika lamang ng komunikasyon sa iba’t ibang mga sektor sa lipunang Pilipino. May pangangailangang mapaunlad ito bilang wika ng kaalaman at wika sa produksiyon mismo ng kaalaman. Kapag nasa wikang Filipino ang pagdukal at pagdiskurso ng iba’t ibang mga akademikong disiplina, mas nailalapat ito sa pagkatao, karanasan, at kalinangan ng mga Pilipino. Sa pagbuo at pagbalangkas ng isang makabayang edukasyon, mas napalilitaw ang ganitong tunguhin, habang napauunlad ang paggamit at pag- iintelektuwalisa ng wikang Filipino. Bagaman hindi pinakauna, nananatiling bukas ang mga tinipong babasahin sa seryeng ito hinggil sa lalong pagdaragdag at pagbubuo ng mahuhusay na mga exemplar para sa kalinangan ng mga mag-aaral. Ang mga tinipong babasahing ito ay isang inklusibong pagsisikap upang maisama ang ilan sa mga anyo ng teksto na may tuon sa akademikong diskurso ng iba’t ibang mga napapanahong usapin. Mula sa balangkas ng Kagawaran ng Edukasyon, ginamit ang mga teknikal at malikhaing teksto habang naipakikilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga paksa na nagmumula sa iba’t ibang mga akademikong disiplina. May pagsasaalang-alang din na nararapat na maging popular pa rin ang mga ito, nang sa gayon ay maging kawili-wili sa mga mag-aaral ang pagbabasa. Sisimulan sa Unang Bahagi ang mga batayang kaalaman at katangian ng pagsulat, partikular sa akademikong larangan. Ipaliliwanag ng mga babasahin ang tuon at layunin ng akademikong pagsulat, lalo na sa tipo ng mga mambabasang tatangkilik nito. Isa sa pinakamalahalagang gampanin ng akademikong pagsulat ay ang tungkulin at responsibilidad ng iskolar na siyang lumulubog sa proseso ng pananaliksik. Hindi lamang nararapat na maunawaan niya ang daynamiks ng mismong pagsulat, ngunit nararapat rin niyang mailapat ang mga ito sa isang makabuluhang proseso ng pagsulat. Bilang isang Pilipinong iskolar, kinakailangan niyang matutunan ang pananaliksik at pagsulat hinggil sa kultura at lipunang Pilipino, ugnay sa iba’t ibang mga akademikong disiplina sa antas ng unibersidad.
  • 10. 2 Sa Ikalawang Bahagi, ilan sa mga anyo ng pagsulat na masasabing propesyonal at/o teknikal ang isinama sa mga babasahin. Ang ilan sa mga ito’y katitikan ng pulong, panukalang proyekto, posisyong papel, bionote, abstrak, at buod. May dalawang pangunahing mga layunin ang mga babasahin sa bahaging ito. Una, upang tumugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na makilala at maunawaan ang ilang prominenteng mga indibidwal at ang kanilang mga milyu, adbokasi, at ambag sa lipunang Pilipino. Pagkilala ito sa nagawa at ginagawa ng mga iskolar na ito, habang napayayaman ng mag-aaral ang kaniyang kaalaman hinggil sa mga ito, na ugnay sa kaniyang binabasa at pinag-aaralan. Ikalawa, upang tumugon sa pangangailangan ng mag-aaral na makasulat ng mga mahahalagang ulat at impormasyon mula sa mga lumitaw na diskusyon, at gayundin naman sa gagawing pagdiskurso. Walang mag-aaral ang hindi lulubog sa isang pulong halimbawa, ito man ay sa pagitan ng kaniyang mga kamag-aral, o kaya ay sa mga magiging katrabaho; at ang pagbuo ng isang makabuluhang talumpati o presentasyon na ihaharap sa isang panel hinggil sa isang ulat, bubuuing proyekto o pananaliksik. Katangian ng propesyonal na pagsulat ang pagpapasimple ng mga komplikadong pahayag. Kinakailangan ang mainam na pagsasala at paggamit ng mga salita, nang sa gayon ay hindi magkaroon ng maling pag- unawa sa babasa ng teksto. Ang estilo ng manunulat ay kinakailangang objektiv, direkta, maikli, at malinaw, partikular sa mga nais niyang sabihin. Kaiba halimbawa sa pagsusulat ng mga kuwento o tula na kung saan may mga pagkakataong kailangang palalimin at pabulaklakin pa ang mga pahayag, ang propesyonal na pagsulat ay nangangailangan ng malinaw na direksiyon at pagpapaliwanag, sa isang hindi emosyonal na paraan. Hindi nakukuha nang agaran ang mga kasanayang kinakailangan sa propesyonal na pagsulat subalit, mahalaga ang masteri sa iba’t ibang mga katangian na maaaring paglubugan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng mga katotohanan, pagsisintesis ng mga impormasyong kinakailangan, at pagbuo ng mga objektiv na pagpapahayag. Kadalasan, ang propesyonal na pagsulat ay ginagawa sa ekspositoring pamamaraan, na nagbibigay ng impormasyon na may kinalaman sa trabaho o pagtatrabaho. Dalawa sa mga pinakagamiting mga anyo ng propesyonal na pagsulat na masasabing generic sa anumang propesyon ay ang katitikan ng pulong at panukalang proyekto. Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o
  • 11. 3 kompanya, ang pag-upo sa pulong sa pulong ay bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat ng mga pinag- usapan sa isang maikli at malinaw na paraan. Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat ang muling pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa mga hindi nakadalo. Sa isang banda, mahalaga naman ang panukalang proyekto sa paglatatag at pagpaplano ng gagawing proyekto. Hindi lamang ito simpleng paglalahad upang ipaunawa ang gagawing proyekto; bagkus, kinakailangan nitong maging mapanghikayat, nang sa gayon ay pahintulutan ang pagsasagawa ng partikular na proyekto. May tatlong pangunahing layunin ito: angpagtitiyak sa kung anong proyekto ang kinakailangang gawin, pagpapaliwanag kung bakit ito kailangang gawin, at panghihikayat sa mambabasa (o panel) na mayroong sapat na plano, metodo, pinansya, at panahon upang isagawa ang proyekto. Bagaman may kani-kaniyang format ang bawat organisasyon at kompanya sa pagsulat ng katitikan ng pulong at panukalang proyekto, generic naman ang kinakailangang lamanin ng mga ito. Mahalaga ang mga kasanayang ito sa isang mag-aaral, sapagkat pagsasanay ito sa karanasang susuungin nila paglabas ng paaralan. Ipakikita rin ng mga piniling babasahin na maaari pa rin namang gamitin ang mga kinagisnan nang anyo ng pagsulat sa mas mataas na pagtalakay at diskurso. Sa pagsulat ng buod halimbawa, kinakailangang makalabas na sa kahon ng maikling kwento, nobela, at pelikula ang binubuod ng mga mag-aaral. Habang sa pagsulat naman ng posisyong papel, kinakailangang masanay ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling mga argumento hinggil sa isang napapanahong isyu, habang isinasalang-alang ang iba’t ibang mga katotohanang ugnay dito. Lampas sa minimum competencies na inihanda ng DepEd ang pagsulat ng papel pananaliksik, subalit iminumungkahing ito ang maging panghuling gawain ng mga mag-
  • 12. 4 aaral nang sa gayon ay maisulat nila ang isang akademikong diskurso na bunga ng kanilang pananaliksik, bilang paghahanda na rin sa kalikasan ng pagsulat sa antas ng unibersidad. Kasama na ang abstrak bilang bahagi ng pag-uulat sa papel-pananaliksik, kinakailangang matutunan ng mga mag- aaral ang ganitong anyo ng akademikong pagsulat, nang sa gayon ay maipasa at mailathala nila sa hinaharap ang mga pananaliksik na ito. Maraming journal sa Filipino ang nag-aabang lamang sa mga artikulo na nagmumula sa iba’t ibang mga disiplina. Habang sa Kabanata 3, apat sa mga anyo ng malikhaing pagsulat ang isanama sa mga babasahin: talumpati, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. May iisang layunin ang mga tekstong ito: ang makagbigay ng impormasyon sa isang masidhing pamamaraan. Masasabing emosyonal ang ganitong anyo ng pagsulat. May kalayaan ang manunulat sa pagpili ng mga salitang sasabihin o isusulat, nang sa gayon ay mas makapukaw ng atensyon at emosyon sa tagapakinig o mambabasa. Hindi na iba ang ganitong gawain sa mga kabataan ngayon, lalo’t sila ay kabilang sa tinatawag na milenyal na edad. Halos lahat na lamang ng kanilang nasasaisip at nararamdaman ay iniuulat sa lahat. Gamit ang teknolohiya ng new media, partikular ang internet at Social Networking Sites, malaya nilang ipinamamalita sa mundo kung ano man ang nais nilang sabihin. Popular halimbawa sa blogosphere ang pagpapaskil ng mga lakbay- sanaysay, replektibong sanaysay, at piktoryal na sanaysay. Bagaman lubog at babad na ang mga mag-aaral sa ganitong mga anyo ng pagsulat, ipamamalas ng mga babasahin na hindi lamang nararapat na makulong sa kalungkutan, hinaing, at pag-ibig ang mga paksa ng mga ito, bagkus kinakailangang umangat pa ito sa mga isyung pangkultura’t panlipunan. Kahit pa seryoso o masaya/malungkot ang tinig, hindi nawawala ang tali ng emosyon upang mailugar ang kanilang mga sarili sa mundo na kanilang ginagalawan. Sa kaso ng malikhaing pagsulat, ang hamon ay kung paano ipapakita nang bago ang mga dati nang naipakita. o kaya’y kung paano ipapakita ang hindi pa naipapakita ng iba. Kadalasan, ekstensyon ng sarili ang anumang nabubuong malikhaing sulatin. Interpretasyon ng manunulat ang mundo na kaniyang ipinapakita sa kaniyang mga sulatin. Kung gayon, ang isang mananaliksik ay nakauunawa na ang isang malikhaing akda ay binuo ng mga salitang pinili ng manunulat. Makatagpo man sa akda ng sensitibong
  • 13. 5 salita sa paningin ng iba, higit pa dito, ito’y dapat tingnan sa pagka-akda at pagka-likhang sining nito. Matutunghayan sa mga talumpating isinama sa mga babasahin, ang pagbanggit at paggigiit sa mga personal na karanasan bilang panghabambuhay na aral. Mababasa ang mga pinagdaanang karanasan sa buhay na tinitingnan bilang resipi sa tagumpay. Pinatutunayan ng mga talumpating ito na kaya ng bawat isang maging matagumpay, anuman ang kalagayan sa buhay. Wala rin namang pinag-iba ito sa mga lakbay-sanaysay na nagpapakita ng mga pampersonal na karanasan bilang lunsaran sa pagkatuto. Ang paksa ng “ako,” “siya/sila,” “Pilipinas/Pilipino” at “ibang bansa,” ay mailalantad na masasabing normal na diskurso lamang ng higit pa sa pampersonal na motibo. Lagpas pa sa mga larawan ng lugar at pagkain ang pag-unawa sa sarili, bagkus ito ay produkto ng pagbasa at pag-alam matapos ang mga hindi malilimutang karanasan ng paglalakbay. Samantala, ang mga replektibong sanaysay ay nakabalangkas sa talabang sarili-pagkabansa. Paglulugar ang mga sanaysay na ito ng mga manunulat hinggil sa problematisasyon ng uri, identidad, at pagkabansa. Sentral sa mga ito ang kani-kanilang mga karanasan bilang tao, at bilang iskolar na bahagi at nakikibahagi sa mas malawak na mundo ng tunggalian. Habang ang mga piktoryal na sanaysay ay nakatuon sa ilang mga isyung panlipunan, at sa paglulugar ng sarili sa usapin ng pagkabansa. Aktwal ang mga larawang ginamit nang sa gayon ay makaugnay ito sa mismong mga karanasan ng sangkot na mga indibidwal. Ito ang pinakamalapit sa sinasabing “paglubog” ng sarili, sa karanasan ng iba. Bilang mga Pilipino, mahalaga sa mga mag-aaral ang makisangkot sa ba’t ibang isyung pumapaloob sa pagiging Pilipino, at pagbubuo ng bansa. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga babasahing ito, mas mapalalawak at mapalalalim pa ang paraan at antas ng repleksyong ginagawa ng bawat isa. Lagpas pa sa awit, tula, nobela, o pelikula ang kailangang bigyan ng repleksyon at pag-unawa.
  • 14. 6 Bagaman magkakaibang kabanata, iisa lamang ang tunguhin ng kabanata 4, 5, at 6. Maipakita at maipaunawa sa mag-aaral ang paggamit sa wikang Filipino partikular sa pagsulat ng mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Tinipon ang ilang mga akademikong journal na gumagamit ng wikang Filipino sa mga paksang may kinalaman sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Agham. Patunay at hamon ang mga babasahin sa mga kabanatang ito sa lalong pag-iintelektwalisa ng wikang Filipino. Hamon din naman ito sa mga mag-aaral na kung ano man ang disiplina na kanilang kukunin sa unibersidad, kinakailangang magamit nang sa gayon ay mapagyaman pang lalo ang pambansang wika. May ilang mga anyo ng pagsulat ang nangangailangan pa talaga ng masidhing pagpapaunlad. Sa katunayan, sa panahon ng pangangalap ng mga exemplar na babasahin para sa seryeng ito, sinubukang kumalap sa mga akademikong institusyon sa labas ng Maynila, dahil sa ang karamihan ng mga limbag na sanggunian ay pinatatakbo ng malalaking unibersidad sa Metro. Napatunayan din naman na may kakulangan pa sa paggamit at pagsulat sa wikang Filipino, partikular sa mga propesyonal na pagsulat. Samakatuwid, inspirasyon at hamon ang seryeng ito para sa lahat ng mga mag-aaral na Pilipino, upang lalo pang pag-ibayuhin ang pagpapaunlad sa wikang Filipino bilang wika ng kaalaman at wika sa produksyon ng kaalaman.
  • 15. 7 KABANATA 1: Akademikong Pagsulat
  • 16. 8 1. Kalikasan ng Pananaliksik Pamela Constantino at Galileo Zafra Introduksyon Mahalagang matutunan mo ang pananaliksik. Isa itong pangangailangan sa mga iba’t iba asignatura sa kolehiyo. Isa rin itong paraan para mapagsanayan at mapatunayan ang iyong tiyaga, sipag at disiplina bilang mag-aaral.Sa asigna
  • Related Search
    We Need Your Support
    Thank you for visiting our website and your interest in our free products and services. We are nonprofit website to share and download documents. To the running of this website, we need your help to support us.

    Thanks to everyone for your continued support.

    No, Thanks