Araling panlipunan grade 10 q1

86 pages
8 downs
399 views

Extension: PDF

Please download to get full document.

View again

of 86
All materials on our website are shared by users. If you have any questions about copyright issues, please report us to resolve them. We are always happy to assist you.
Share
Description
Mga kaguro sa Araling Panlipunan isinishare ko po sa inyo ang first quarter module para sa Grade 10 Kontemporaryong Isyu dahil karamihan wala pang reference at hindi tayo nakaattend ng training for G 10 kontemporaryong isyu. sana makatulong ito sa inyo. ATB/2017
Transcript
  • 1. Araling Panlipunan Grade 10 Unang Markahan Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-Ekonomiya Topics under this module  Ang Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu  Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagbagyo, Pagbaha, at Storm Surge  Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Paglindol at Tsunami  Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagputok ng Bulkan  Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: El Niño at La Niña  Mga Ahensiya ng Pamahalaang Responsable sa Kaligtasan ng mga Mamamayan  Climate Change: Aspektong Pulitikal, Pang-ekonomiya, at Panlipunan  Climate Change: Mga Programa, Polisiya, at Patakaran  Climate Change: Mga Epekto sa Kapaligiran, Lipunan, at Kabuhayan  Mga Suliraning Pangkapaligiran: Waste Management  Mga Suliraning Pangkapaligiran: Mining  Mga Suliraning Pangkapaligiran: Quarrying  Mga Suliraning Pangkapaligiran: Deforestation  Mga Suliraning Pangkapaligiran: Flash Flood  Ang Unemployment  Ang Globalisasyon  Mga Pangunahing Institusyong Nagsusulong ng Globalisasyon  Ang Sustainable Development  Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Consumerism  Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Energy Sustainability  Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Poverty  Mga Hamon sa Pagtamo ng Sustainable Development: Health Inequalities  Iba’t Ibang Estratehiya at Polisiya sa Pagtamo ng Sustainable Development Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10 Ang Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu Pagkatapos ng araling ito ang mag-aaral ay:  naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu; at
  • 2.  nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig. Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:  Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?  Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu? Halina at ating alamin ang mga sagot sa araling ito! Kontemporaryong Isyu  Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.  Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao  Kasabay o kapanahon. Halimbawa:  Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, at rasismo ( si Pangulong Rodrigo Duterte ay kontemporaryo ni US Pres. Donald Trump, si Adolf Hitler ay kontemporaryo ni Benito Musolini))  Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser (Taasan ang buwis sa mga softdrinks pati na ang sa powdered Juice drink para pigilan ang isa sa mga sanhi ng diabetes at katabaan)  Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin, ingay, at iba pa)  Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu  Ang terorismo ay isa sa mga pinakatampok na kontemporaryong isyu. Dito pa lamang sa Pilipinas, usap-usapan ang walang awang pagpatay o makataong pagpapalaya sa mga bihag mula sa mga kamay ng mga rebeldeng pangkat. Isyu rin ang pagbibigay ng ransom sapagkat ang pagtugon dito ay tila pagsuporta na maaaring nagdudulot ng paglago ng kanilang masamang gawain.  Sa konteksto naman ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng angkop at makabuluhang talakayan o interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral kung saan ang lahat ay nagbibigay ng kani-kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu. Halimbawa:
  • 3. Isa sa mga gustong muling ipatupad ng bagong presidente ng Pilipinas ay ang death penalty. Dahil ito ay mainit na isyu sa pagitan ng human rights advocates at ng death penalty supporters, maaaring magkaroon ng debate ang mga estudyante ukol dito. Maaaring hatiin ang klase sa pro at anti. Mahalaga ang paggabay ng guro sa maselang usaping ito. Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig  Nalilinang ang kritikal na pag-iisip  Naiuugnay ang sarili sa isyu  Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu  Nahahasa ang iba’t ibang kasanayan at pagpapahalaga Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media.  Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit nito sapagkat nahuhubog nito ang kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa.  Sa pagbabasa, nahuhubog din ang kasanayang pangwika at panggramatika.  Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig.  Sa dulo nito, makabubuo ng lipunang mulat, mapanuri, at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu. Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig  Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.  Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat mas maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto.  Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabibilis at mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.  Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga kaganapan sa lipunan. Pagnilayan Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?
  • 4. Dagdag Kaalaman Ang mga kontemporaryong isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin. Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang ngayon. Mahahalagang Kaalaman  Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.  Ang mga kontemporaryong isyung ay maaaring panlipunan, pangkalusugan, pangkapaligiran, pangkalakalan, at marami pang saklaw.  Sa konteksto ng pag-aaral, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng malalim na pagdukal at aktibong partisipasyon..  Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makakatulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. Halina atin pag-usapan ang isyung ito. Duterte claims drug money funding terrorism in Mindanao By Audrey Morallo (philstar.com) | Updated May 31, 2017 - 7:30pm
  • 5. Government troops take positions as they head to the frontline as fighting with Muslim militants in Marawi city enters its second week, Tuesday, May 30, 2017, in the southern Philippines. Philippine forces pressed their offensive to drive out militants linked to the Islamic State group after days of fighting left corpses in the streets and hundreds of civilians begging for rescue from a besieged southern city of Marawi. AP/Bullit Marquez MANILA, Philippines — President Rodrigo Duterte claimed on Wednesday that drug money was used to finance both past and present terrorism activities in the Philippines, not so-called Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) funding from the Middle East, as he admitted that the government had suffered “tremendous” losses in the clashes in Marawi City. Speaking before military personnel from the Philippine Navy celebrating its 119th founding anniversary, Duterte said that so-called ISIS did not have much support to local Islamist groups as the government was able to stanch the supply of money from the Middle East. The president said that drug money had been used to support terrorist activities in the Philippines, even claiming that Marawi City, the scene of deadly clashes that left 89 militants, 21 soldiers and 19 civilians dead, had turned into a center of methamphetamine, locally known as shabu, production.
  • 6. “There was a time until now that the terrorism activities in the Philippines is funded and fueled by drug money. Alam namin na walang masyadong tulong ang ISIS sa Middle East. Nakukuha naming yung pinapadala nila by just examining papers,” the president said as he admitted that deaths were to be expected in any war, including the war on drugs. He said that as Manila launched a deadly crackdown on illegal drugs many producers of illicit narcotics turned to terrorist groups for protection. “And for all — lahat — Christians and the Moro, who were into shabu sought sanctuary amongst the terrorists for protection and to ensure the success of their business. So much so that even Manila was already flooded, and we have to put an apparatus to stop it,” he said. Headlines ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1 The Philippine drug war has claimed between 7,000 to 9,000 lives, according to human rights groups and government critics. The Philippine National Police, however, disputes this and says that this number is inflated. It pegs the number of deaths related to the war on drugs at around 4,000. The chief executive said that he had been warning about the threats of ISIS to the country and just last week admitted that ISIS had already arrived in the Philippines, contradicting what the Philippine military was saying at that time that there were no ISIS fighters in the country. Duterte also admitted that the government had incurred “tremendous losses” in more than a week of fighting between security forces and Maute and Abu Sayyaf fighters in Marawi City. He said that this was expected considering that the soldiers were the “invading force” and the militants had already set up their defenses. “And in Marawi now, I’m sad to tell you that we have suffered tremendous losses. Because we are the invading force, and they have been set up there for a long time waiting for the soldiers of the republic to come,” he said. The chief executive also said that the Philippine government was able to cut the supply of support from the Middle East. He said one of the recipients of the funding was Superintendent Maria Cristina Nobleza, the former deputy regional director of the PNP crime laboratory in Davao City, who was caught after she allegedly tried to help one Abu Sayyaf fighter in Bohol escape. The president said that Nobleza was an active player in the terrorism business of the group. PNP Director General Ronald Dela Rosa said at that time that Nobleza was caught “sleeping with the enemy.”
  • 7. “And one of those who was the recipient of a huge amount is a member of the Philippine National Police. Yung si Nobleza. She was not only in cahoots, but she was an active player in the terrorism business. She was the one who was apprehended in Bohol when she tried to extricate the remaining Abu Sayyaf who were on the run at the time,” the chief executive said. The president said that the “nonchalant” attitude of Filipinos was partly to blame for the terrorist problems in Mindanao and in other parts of the country. “This is my take. Hinayaan kasi natin ang droga,” he said. Duterte placed Mindanao under martial law Tuesday last week following the foiled attempt of Philippine security forces to arrest Isnilon Hapilon, a subleader of the notorious Abu Sayyaf, and other leaders of the Maute group of bandits. Clashes ensued between the two groups as the Islamist militants holed themselves up in parts of the city, leading to street-to-street combats
  • 8. Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya, Araling Panlipunan - Grade 10 Iba't Ibang Uri ng Kalamidad sa Komunidad at Bansa: Pagbagyo, Pagbaha, at Storm Surge Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:  naipaliliwanag ang konsepto ng kalamidad; at  natatalakay ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa gaya ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo. Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:  Ano ang ibig sabihin ng kalamidad?  Ano-ano ang kalamidad na kalimitang nararanasan sa Pilipinas? Alamin ang mga sagot sa araling ito! Kalamidad  Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.  Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.  Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.  Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.  Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga sa mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong makabangon agad mula sa dagok ng matitinding kalamidad. Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbagyo Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo.  Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.  Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba
  • 9. pang malamig sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng mga ulap.  Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng 20 bagyo kada taon. May apat na uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang PAGASA ang tumututok at nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon.  Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala sa mga bayan at lalawigang tinamaan nito Bagyong Sendong.
  • 10. Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbaha Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.  Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.  Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig.  Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na malapit sa anyong tubig.  Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari- arian. Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag nababad ang sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga). Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.  Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).  Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga tao, kaya, maraming namatay.
  • 11.  Mahirap iwasan ang pagdaluyong-bagyo dahil hindi ito napipigilan. Ang maaari lamang gawin para makaiwas dito ay ang paglikas tungo sa mas mataas na lugar kung may nakaambang bagyo o pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat. Pagnilayan Sa iyong palagay, natuto na ba ang mga Pilipino sa mga karanasan mula sa malalakas na pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo? Mahahalagang Kaalaman  Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.  Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo. Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.  Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.  Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo. Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat). Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:  natatalakay ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa bansa gaya ng paglindol at pagtama ng tsunami; at  naiuugnay ang mga gawain at desisyon ng mga tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad. Gayundin ang pagtugon sa mga sumusunod na tanong gaya ng:  Maliban sa pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong, ano-ano pa ang kalamidad na nararanasan at maaaring maranasan sa Pilipinas? Alamin ang sagot sa araling ito!
  • 12. Balikan Natin! Kalamidad  Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.  Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan subalit may kinalaman din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.  Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.  Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina. Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso Isinalin ang post na ito noong 20 Mayo 2012 7:53 GMT [Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa'yo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban kung nakasaad.] Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na kalamidad ng Bagyong Sendong (international name: Washi), na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo. Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao noong Disyembre 2011 at winasak ang mga tirahan at kabuhayan ng libu-libo, binaha naman ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Bukidnon, Maguindanao, Compostela Valley, Negros, Leyte at Aklan sa Katimugang Pilipinas. Isang matinding pagguho ng lupa naman ang naganap noong Enero 2012 sa Pantukan, Mindanao, isang bayan na umaasa sa pagmimina, kung saan 31 ang namatay at daan-daan ang nawawala. Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipinong netizen ang ilang katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka ang lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap? Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo:
  • 13.  Original Quote Noong Enero 2009, nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha. Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang nakalipas, dumatin
  • Related Search
    We Need Your Support
    Thank you for visiting our website and your interest in our free products and services. We are nonprofit website to share and download documents. To the running of this website, we need your help to support us.

    Thanks to everyone for your continued support.

    No, Thanks